Bilang isang organisasyon na nagpapatupad ng mga proyekto kagaya ng mga pagsasagawa ng sarbey sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas, tinitiyak ng aming mga tagapag-ugnay na ang mga pagsasalin ng mga talatanungan mula sa wikang Filipino patungo sa mga rehiyonal at katutubong wika ay maayos at tama upang makakalap ng mapagkakatiwalaang datos.
Noong Agosto 29, 2025, nagkaroon ng palatuntunan ang ASPSI kung saan nagsuot ang bawat isa ng maka-Pilipinong kasuotan, nagsagawa ng mga palarong malilinang ang paggamit sa wikang Filipino, at nagtanghal ng Lakan at Lakambini ng Buwan ng Wika.

Buwan ng Wikang Pambansa 2025
Ang ASPSI ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.